Marami talaga tayong ibat ibang matutunan sa ating pag laki. Ang ating konting kaisipan ay nadagdagan ng mga impormasyon at mga aral na nagsilbing naglililok sa atin bilang isang tao. Kaya kapag sinabing camping ay talaga bang gusto ko sumali sa mga gawain na ganyan dahil talagang ito ay nag tuturo pa satin ng mga leksyon na hindi lamang sa loob ng eskwelahan matutunan kundi magagamit o matutunan mong aral na ito sa pangkabuhayan. Hindi dapat din natin pagkawalan ang oportunidad na ito dahil isa itong malaking tsyansa na makakapag dagdag at makapag bago ng pananaw mo sa buhay. Ang CAT Survival Camp ay naganap noong Enero 11-12, 2020 naging isang malaking tulong tong camp na ito dahil nakakasasabi talaga ako na nasusubukan mo talaga ang mga bagay na akala mo di mo makaya. Magiging salita lang yon kapag di ka talaga sumusubok ng bago at sa totoo lang ay napakasaya ning araw na iyon. Nakita ko talaga kung paano ang isang tao o ang kaklase ko lumaban para lang malagpasan ang mga hamon na kailangan namin lagpasan para matapos ang araw na yon.
Ang camping ay nag iinvolve talaga ng critical thinking at diskarte maliban sa physical pain at emotional pain. Kailangan din natin maging matino sa ating mga aksyon. Bago tayo kumilos ay dapat nating pagisipan muna dahil alam natin na ang pagsisisi ay wala sa unahan kung di nasa hulihan.
Sa totoo lang kailangan mo talaga ng kaagapay sa buhay kaya mabuti nalang nandoon ang aking platoon para maipahiwatig nila na hindi lang ako nagiisa. Bilang isang lider hindi ko magagawa at makukuha ang ang isang napakalaking karangalan kung saan ang "Best Leader" kung wala ang tulog sa aking platoon. Hindi rin namin makaya kung hindi kami nagtulungan sa isa't- isa. Kaya kahit napakadami na ng problema ay kailangan ko pa din ipakita sa platoon ko na kaya ko pa, nagseseryoso ako at gagawin ko ang makakaya ko para malaman nila na ang ginagawa namin ay hindi lang pala isang laro. Para rin masunod nila ang aking mga ginagawa. Nakita ko sa platoon ko kung gaano sila nag hirap sa camp kaya maligaya akong nagmamalaki sa platoon ko kahit ano man ang mangyari o kahit hindi man nakita sa iba ang kanilang paghihirap. Dahil sa camp ay mas lalo kaming nagkaisa at mas lalo ko silang na kita isa't- isa simula pag una hanggang sa camp na nagbago at may mga malaking natutunan ang aking mga ka members.
Nakita ko sa lahat ng mga CAT campers kung gaano nila ipinagmalaki ang kanilang platoon sa pamamagitan na gusto nila malampos at makamit ang hamon. Gusto ko rin magbigay ng pasasalamat sa mga commanders at commandant sa walang tulogang pag hahanda para lang masiyahan kami sa kaganapan na iyon. Ang natutunan ko sa camp ay may mga problema talaga sa buhay at talagang malalagpasan lang yan sa tamang panahon dahil bawat isang tao, bawat isang problema na dinadala, ay may nakalaang oras para itoy maging payapa at malulutas. Iba't ibang tao kaya magkaiba namang istorya sa buhay. Malupit man ang mundo ngunit sa buhay kailangan tayong madiskarte, kailangan natin matutuong lumaban hindi lang hangang sa salita kundi gawin din natin sa kilos para makakamit talaga ang gustong ibig kamtin.
Marami man ang nag bago ngunit masasabing teknolohiya rin ang kasangkot nito, kaya kailangan din natin matuto magpakatao, pahalagahan ang mga oras na malalakas pa ang ating mga buto para may maibigay tayong magandang deperensya sa ating iisang mundo.
No comments:
Post a Comment