Bakit Tayo Nanghuhusga ng Tao Sa Kapwa
by: Dave S. Deguinon
Karamihan sa mga tao ngayon ay mapanghusga ayon lamang sa kanilang nakikita. Nanghuhusga sila agad- agad kahit hindi nila alam ang totoong kwento ng bawat panig. Karamihan din sa ating lipunan ngayon ay makasarili at wala silang pakealam sa niraramdaman ng kapwa tao.
Sa ating henerasyon ngayon, ang opinyon ko kung ano ang puno kung bakit marami ang mapanghusga na tao ay dahil sa "social media". Dito tayo nakakakita kung ano-anong mga bagay na kung saan nakakapagpanakit rin ng ibang tao dahil may mga sukat na tayo sa ating pananaw kung ano dapat ang isang tao. Kaya dito rin nagsisimula ang pagiging selosa at di pagkakontento sa sarili, kasi kinokumpara natin ang ating sarili base sa palagi nating nakikita sa social media. Nanghuhusga tayo dahil sa aminin man o sa hindi, naseselos o naninibugho tayo. May iba rin na gumagawa ng fake accounts para lang makapansira ng ibang tao at dahil din yan sa ayaw nating malamangan.
Para din makapanira ng tao ayon sa kanilang panguhusga, marunong na din sila gumawa ng mga maling istorya. Sa ating panghuhusga nakakadulot ito ng depresyon sa ibang tao kasi may ibang salita na nakakapansakit na habang buhay mo itatatak sa utak at puso mo na para bang paulit ulit dadaloy sa isip mo yung mga masasakit na salita nila . Kadalasan din natin manghusga dahil ayaw din nating mauhan ng istorya.
Kaya bago tayo manghusga siguraduhin mo muna kung ani ang kanyang dinadaanan at kung ikaw rin ay perpekto. Mas mabuti nalang kung ikaw mismo ang nakakaalam sa iyong masamang opinyon kesa ikalat mo pa. Huwag kang humusga kung ikaw naman din ay kahusgahusga. Matuto rin tayo mag bigay ng konsedirasyon sa mga niraramdaman ng kapwa.
No comments:
Post a Comment