|
(ang larawang ito ay kinuha ni Tiffany Sta. Cruz) |
Naging bahagi ang Asian College of Technology sa ikalawang
araw ng pagdiriwang sa District Meet 2019 para sa paligsahan ng Dance Sports.
Ito ang kinaunahang kategoryang laro na sinalihan ng ACT at ito’y nagkaroon nang
isang mabungad at mahusay na kompetesyon. Naging isang magandang simula din ito
nang sumali ang ACT sa patimpalak para sa Dance Sports District Meet.
|
(ang larawang ito ay kinuha ni Tiffany Sta. Cruz) |
Kinonsidera ang Dance sports na isang pampalakasan dahil ang
mga katangian nito ay binubuo ng pisikal na lakas, liksi, koordinasyon, tibay,
disiplina, pagtutulungan ng kanyang kasamahan, istilo at interpretasyon sa
musika. Ang mga mananayaw ay dapat pagsamahin ang pang atleta sa sining upang
makakagawa ng isang tunay na kaakit- akit na pagganap sa entablado. May mga panuntunan
din ang dance sports kung saan, bawal magkaroon nang kabigat bigat na make up
sa babae, at pati na rin sa alituntunin nang kanilang kasuotan.
|
(ang larawang ito ay kinuha ni Tiffany Sta. Cruz) |
Sa araw ng ika dalawamput anim ng Septyembre, sinimulan ang
paligsahan sa mabuting pagdalo sa Senior High School Principal na si Dr
Francisca Tomarong Uy, para sa isang mainit at masalamuhang pagbati sa mga
hurado at sa ibat- ibang paaralan na dumapo at sumali sa patimpalak. Sinundan
ito sa pagpapahayag sa mga hurado para sa paligsahan at gayundin ang pag pasok
sa mga kandedato upang masimulan ang kompetesyon. May dalawang kategorya ang
paligsahan na ito, ang elementarya at ang sekundaryo na kung saan may tatlong
dyanra ang Dance Sports, ang Latin, Latin American at Modern Standard. Mas
marami ang sumali sa kategoryang Latin American at dito rin matatagpuan ang
apat na uri na hinigi sa mga hurado, at ito ay ang Chacha, Samba, Rumba at
Jive. Ang mga mag-aaral na sumabak sa paligsahan sa kategoryang Elementaya ay
sina Aaron Isaiah Capos at si Aisha Alyasyu na nasa ika apat na baitang. Sa
sekundaryo sa Junior Highschool ay sina Alexis Reuel Balongag at si Anne
Pauline Tan na nasa ikawalong baitang. Sa Senior High School naman ay sina
Lexter Carias at Lovely Beth.
|
(ang larawang ito ay kinuha ni Tiffany Sta. Cruz) |
Naging isang mahirap na hamon ang pinagdaanan ng mga dance
sporters dahil naka bilad sila sa init ng maraming minuto habang sumasayaw at
nagbibigay todo upang makuha ang parangal upang papatungo na sila para sa
Division Meet 2019, sapagka’t sa ACT school ground ito naganap. Inumpisahan ito
sa Latin American-chacha na may kabilang na tatlong kalahok at sinundan din ito
ng mga kalahok sa sekudaryo. Sakabila naman sina Aaron at Aisha ay naghahanda
na sa kanilang sayaw dahil sila lang ang magrerepresenta sa Talisay District 2
para sa Division Meet 2019. Lahat nang mata ng mga tao ay nasa kanila pati na
rin sa mga hurado. Parang naging isang intermission ito dahil wala silang ibang
kalaban kung di ang init lamang. Ang unang sayaw nila sa kayang pares ay
chacha, sinundan ng samba at pagkatapos ay jive. Sabi nga ni Aaron “hindi ako
kinabahan sa kompetasyon, ngunit kinabahan ako dahil napakaraming tao at ang
mga mata nila’y nasa aming dalawa lang” Ang unang dance sport na sinalihan ni
Aaron ay nung ACT Intramurals 2018 at nakuha rin niya ang golden na medalya.
|
(ang larawang ito ay kinuha ni Tiffany Sta. Cruz) |
Sinundan din sila sa sekundaryo na may tatlong kalahok,
dalawa mula sa Asian College of Technology at ang isa naman ay nag mula sa
Montery School. Mas mabigat din itong pagsubok dahil nag-uunahan din sila sa
isa pang kalahok habang sumasayaw sa init ng araw, at pinapakita nila ang
ensaktong expresyon sa mukha habang sumasayaw sa dyanra ng Latin American. Sina
Alexis Balongag at Anne Pauline Tan (Junior High School) ay nakakuha ng tansong
medalya (3
rd place) at ang taga Monterey School naman ay nakakuha ng
pilak na medalya (2
nd place), habang ang nakakuha ng gintong medalya
(1
st place) ay nag mula parin sa ACT Senior Highschool na sina
Lovely Beth Villoria at si Lexter Carias. Hindi din inakala ng mga Asianistas na ang pares sa Senior High School sa ACT ay kandedato pala sa CVRAA noong
2018, dahil ibang eskwelahan pa raw ang kanilang nirepresenta noong taon na iyon.
Nakita talaga na may koordinasyon silang dalawa at parang sanay na sanay na
talaga sila sa kanilang mga ginagawa at dahil doon nakuha rin nila ang kanilang
gantimpala na kung saan sila ang representante para sa Talisay 2 Division Meet
2019 at gayundin sa mga nakakuha ng medalya. Talagang palaban ang mga
Asianistas. Ang sayaw ay tiyak na isang pampalakasan, at sila ay mga
nakamamanghang atleta, at pati na rin artista sa sining, Fly High Asianistas!
-Isinulat ni Dave Deguinon
No comments:
Post a Comment